Sunday, January 07, 2007

Minamahal Kita

by: Ogie Alcasid

aking mahal
iniisip kita
minimithi na
ikaw ang laging kasama

o giliw ko, hindi magmamaliw
ang pagmamahal na inalay ko sayo

ang puso ko ay para lang sayo
pinapangako kong hindi ako magbabago

kahit na nag aalinlangan ka
hinding hindi maglalaho ang pagsinta

chorus:
minamahal kita
ikaw at walang iba
tunay at wagas
ang pag ibig na nadarama

sana ay pagbigyan
ang tangi kong hiling
na magpakailanman
ika'y maging akin

kahit na nag aalinlangan ka
hinding hindi maglalaho
ang pagsinta
o manalig ka

repeat chorus

sana ay pagbigyan
ang tanging hiling
na magpakailanman
ika'y maging akin

No comments: