Thursday, July 12, 2007

Pasan

(Callalily)


Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan
Minamasdan ang alon
Na humahampas sa nakaraan

Umihip ang hangin
Sa langit ako’y napatingin
Ulap ay sadyang kaydilim
Tila yata may bagyong parating
Bakit ka lumuluha?
Bakit nagtataka?
Akala mo ba, ika’y iniwan na?

Hindi, pasan kita
Hindi mo ba nakikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa

Nasaan na ang tapang
At lakas ng ‘yong loob
Ngayo’y karuwagan na lang ba
Ang iyong sagot

Umihip ang hangin
Sa langit ako’y napatingin
Ulap ay sadyang kaydilim
Tila yata may bagyong parating
Bakit ka lumuluha?
Bakit nagtataka?
Akala mo ba, ika’y iniwan na?

Hindi, pasan kita
Hindi mo ba nakikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa

Hindi ko naman hangad
Ang anumang bagay sa mundo
Ang tanging hinihiling ko lamang
Ay yakapin mo

At ngayon, pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa

At ngayon, pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa

No comments: