Tuesday, April 10, 2007

Tatsulok

By: Bamboo

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

Refrain :

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Chorus :
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
repeat Refrain and Chorus

repeat Chorus

Di matatapos itong gulo

Monday, April 02, 2007

Biyahe Tayo

by: Various OPM Artists

Ikaw ba'y nalulungkot
Naiinip, nababagot?
Ikaw ba'y napapagod
Araw gabi'y puro kayod?

Buhay mo ba'y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa't araw ba'y pareho
Parang walang pagbabago?

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?

Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa-Pilipino.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

From city to city,
Seven thousand and a hundred plus islas
Sa mahal kong Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!

Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?

Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?

Tara na, biyahe tayo,
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?

Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?

Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.

Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Halika, biyahe tayo...
WOW Philippines...

Sunday, April 01, 2007

Maling Akala

by: Brownman Revival

May mga kumakalat na balita...
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala magisip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala...

Nung ako'y musmos palamang ay takot sa multo
nung ako'y naging binata sa erpat ng syota ko
ngayon ay may asawa at mayroon ng pamilya
wala namang multo kundi takot sa asawa ko...

Refrain:
Di mo na kailangan magalinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't wag kalimutan magdahandahan
Kund di sigurado sa kalalabasan
kalalabasan ng binabalak mo...

Chorus:
Maliit na butas lumalaki...
Konting gusot...dumadami....
Di mo maibabaon sa limot at bahala
kapag nabulag ka ng maling akala...

Nasan na ba ako???
Kaninong kama to???
Ilang ulit nabang nagigising sa ibang kwarto
Naglayas sa bahay akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil di nakapagtapos...

Repeat refrain

Repeat chorus

May mga kumakalat na balita
na ang kaligtasay madaling makuha...
Bago maniwala magisip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala...

Repeat chorus