Wednesday, August 22, 2007

Wednesday, August 15, 2007

Panaginip

(Wake Up Your Seatmate)


Ika'y nakikita ngunit hindi mahawakan
Inakala nandiyan ka pero wala naman pala
Ilang taon na tayo naghihintay para magsama
Ilang taon pa ang kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Bakit palaging nahihirapan ang mga taong nagmamahalan
Naiipit sa gitna ng kaguluhan
Ilang taon na na tayo ngahihintay para mag sama
Ilang taon pa ang kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Mahal parin kita at parating mamahalin
Mayroon mang bago sa aking buhay
Ikaw parin ang iisipin
Ilang taon na na tayo ngahihintay para mag sama
Ilang taon pa ang kailangang lumipas

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Para kahit nahimbing tayo sa huli
Sa aking mga panaginip
Tayo'y magwawagi...

Tuesday, August 07, 2007

Minsan Lang

(Jay-R Siaboc)

Nandito, nag-iisa, walang makasama
Walang oras na di kita naiisip
Nagtatanong sa sarili kung bakit nasasaktan
Pipilitin maging masaya para sa ‘yo

Pipikit na lamang, umaagos ang luha
Ayokong marinig na di ka pala para sa akin

[Chorus]
Ayokong marinig sa ‘yo
Na di mo na ako kailangan
Totohanin mo naman ako
Kahit minsan lang

Nandito, nag-iisa, kausap ang sarili
Kakayanin ko ba ngayon na wala ka

Pipikit na lamang, di mapigilang lumuha
Ayokong isipan ka, hindi mo naman maintindihan

[repeat Chorus]

[Chorus 2]
At ayoko na sabihin mo
Wala ka ng pakialam
Kailangan bang masaktan
Wala ka bang nararamdaman

Ayokong marinig na di ka pala para sa akin

[repeat Chorus 2x]

[repeat Chorus 2]

Wednesday, August 01, 2007

Kung Alam Mo Lang

(Jennelyn Mercado)

*note: Kung Alam Mo Lang--Because I Am a Girl by KISS in Tagalog

Hindi mo na kailangan pang
Ito'y sabihin pa
Na mayroong nagbago sa loob ng puso mo

Wala akong magagawa
Kundi palayain ka
Kaya't pinilit kong huwag aminin sa iyo

Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko
At kung alam mo lang sana
Kailan ma'y 'di mawawala
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Laging nasa puso ko

Akala ko ay kaya na
Ngayong wala ka na
Nguni't hindi pala
Limutin ka'y di magawa

Palagi kong tinatanong
Sa sarili ko ito
Ikaw ba'y lalayo 'pag lahat ay inamin ko

Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko
At kung alam mo lang sana
Kailan ma'y 'di mawawala
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Laging nasa puso ko

Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko